--> Barbie Imperial, Inlove sa isang NBA Player na to! | ChikaTime

Barbie Imperial, Inlove sa isang NBA Player na to!

  Sunod-sunod ang pagkapanalo ng Lakers sa NBA Games.Maraming mga fans ang nagpakita ng kanilang supporta sa koponan. Pati na rin ang mga lo...

 


Sunod-sunod ang pagkapanalo ng Lakers sa NBA Games.Maraming mga fans ang nagpakita ng kanilang supporta sa koponan. Pati na rin ang mga local celebrities ay hindi mapigilang ipahayag ang kanilang kaligayahan sa tagumpay ng Lakers.

Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang suporta at pagmamahal sa koponan, pati na rin sa NBA Player na si Kyle Kuzma ay ang 22-taong-gulang na artista na si Barbie Imperial.



Si Barbie Imperial ay isang artista sa ilalim ng Kapamilya network. Nakilala siya sa industriya ng showbiz matapos sumali sa reality show na “Pinoy Big Brother.” Matatandaan na naging tanyag din si Barbie imperial matapos  bumida sa teleserye na "Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi" kasama si JM De Guzman .


Naging usap-usapan ngayon sa social media si Barbie Imperial matapos niyang mag-iwan ng isang komento sa NBA Player na si Kyle Kuzma .

Sa online post ni Kuzma, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang sarili na may hawak na tropeo mula sa laban. Ang larawang ito ay nag-udyok kay Barbie na mag-react at mag-iwan ng komento sa kanyang post.


"Mahal kita sobra !!!" sumulat siya sa seksyon ng komento. 


Ang kanyang komento ay nakakuha ng higit sa 3,400 na mga likes kasama ang iba't ibang mga reply at komento din mula sa mga tagahanga .Ang ilang mga tagahanga ni Kuzma ay nagreak sa naging post ni Barbie .May nag-iwan pa ng mga reply sa komento ng aktres na humihiling sa kanya na maayos na pumila. 

"Pumila po tayo ng maayos po." 

"Mahaba haba po ang linya te."

 "Mahal na mahal din po kita Barbie!"

 "Ang haba na pala ng pila, bukas na lang ako babalik."




Anong masasabi niyo rito? Isa ka din bas a tagahanga ni Kuzma?