--> Ang Lupet! Lalaki na may Talentong Magpalit ng Hanggang 16 Boses ang kayang Gawin! | ChikaTime

Ang Lupet! Lalaki na may Talentong Magpalit ng Hanggang 16 Boses ang kayang Gawin!

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang talentong ipinamalas? Ang talento ay isang malaking biyayang bigay sa atin ng may kapal.Ito ay tumutu...



Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang talentong ipinamalas? Ang talento ay isang malaking biyayang bigay sa atin ng may kapal.Ito ay tumutukoy sa ating espesyal na kakayahan o kagalingan sa isang bagay. 

Lahat tayo ay may talento na tinataglay at ito’y dapat lang natin na tuklasin at pagyamanin.





Naging viral ngayon ang isang lalaking may ipinamalas na talento sa Pag De-Dj. Sa isang programa ng radio station sa unang pakinig natin ay tila isang regular na programa lamang na binobosesan ng maraming tao ang isang radio drama sa Pagadian City. 

Ang nakakagulat ay sa likod pala nito, iisang DJ lang pala ang nasa likod ng mga boses at siya na rin mismo ang mag-isang nagpapatakbo ng kaniyang radio program.

Nakilala ang lalaking ito na si Jameson "DJ Nonglading" Mondido, na may programang "Handumanan sa Akong Kagahapon," na bukod sa pagiging aktor, siya rin pala ang naging direktor ng kaniyang radio drama.






Sa isang panayam sa kanya ng KMJS "Kapuso Mo, Jessica Soho," inilahad ni Jameson ang lahat.

Kaya raw magpalit nitong si  DJ Nonglading ng 16 na boses, kabilang ang boses ng matandang babae, matandang lalaki, bakla, batang lalaki, at isang babae.

"Mas madali kasi ako 'yung direktor, ako 'yung actor. And then sa kita naman, siyempre ako lang 'yung isa, ako lahat," saad ni DJ Nonglading.








Para mas mapalawak pa ang kaniyang listeners, naisipan ni DJ Nonglading na mag-Facebook live. Doon na napansin ng netizens ang kaniyang angking talento, hanggang sa dumami na ang kaniyang listeners at viewers, maging sa abroad.

Talagang pambihira lamang ang mga ganitong talento. Maraming netizen ang napabilib sa kanya.

Tandaan natin na may kanya kanya tayong galing at talento mula palang sa ating pagkabata atin lamang itong pagyamanin upang sa ganun ay maibahagi natin ito sa iba upang makatulong at ito rin ang magiging susi sa ating tagumpay gamitin lamang ito ng tama. Maging matatag at tiwala lang sa ating sarili.








Panoorin ang video:




Anong masasabi mo sa kakaibang talentong ito? Ikaw,anong talentong meron ka?