--> Ang Galing! Isang Batang Pinay na Mas Matalino pa Kay Albert Einstein | ChikaTime

Ang Galing! Isang Batang Pinay na Mas Matalino pa Kay Albert Einstein

  Pambihira lamang ang mga taong may matataas na IQ gaya na lamang ni Albert Einstein. Si Albert Einstein, ay isang Aleman-Swiss-Amerikanong...

 


Pambihira lamang ang mga taong may matataas na IQ gaya na lamang ni Albert Einstein.

Si Albert Einstein, ay isang Aleman-Swiss-Amerikanong pisikong teoretikal na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang siyentipiko sa ika-dalawampung siglo at isa sa pinakamahusay na pisikong nabuhay sa kasaysayan ng agham. 





Ang pinakamahalagang papel na ginampanan ni Einstein sa agham ay ang pagbuo ng espesyal na teoriya ng relatibidad at teoriyang pangkalahatang relatibidad

Hinangaan naman ng maraming netizen ang batang Pinay na may mataas na IQ.

Isang batang Pinay student sa United Kingdom ang naiulat na mayroong isang IQ na mas mataas pa kaysa kay Albert Einstein. Grabe nga naman ang taglay na talino ng batang ito.

Ang  batang mag-aaral na Pinay ay tinanggihan umano mula sa kanyang unang pinili na secondary school.


Sa naging ulat ng GMA News Online (may akda ni Rie Takumi) noong 2017, nais ni Mia Golosino na mag-aral sa Aylesbury High grammar school ngunit ang kanyang aplikasyon na mag-aral ditto ay tinanggihan.

 




Kumuha si Mia ng isang IQ test at ditto ay nalaman na mayroon siyang genious na IQ na nasa level 162. Ayon sa Live Science, pinaniwalaang si Einstein ay mayroong IQ na 160.

Sa report ng Smart Parenting, ayon sa ama ni Mia, na si Jose, ay nilinaw niya ditto kung bakit tinanggihan ang kanyang anak na babae mula sa Aylesbury High. Sinabi nito na ito ay may kinalaman sa lokasyon ng kanilang tahanan at ang bilang ng mga mag-aaral na kanilang tatanggapin lamang ng paaralan.

“Iyon ang tinatawag na oversubscription. Pang-sampu si Mia sa waiting list sa unang round ng allocation,” saad ng ama

 




Labis ang tuwa at pagka proud ng magulang ng batang ito dahil talagang hindi nila akalain na ganito pala ito katalino.

Napabilib naman ang mga netizen sa kanya dahil sa taglay nitong talino na nilagpasan pa si Albert Einstein.

Si Albert Einstein ay isang German theoretical physicist na bumuo ng theory of relativity at quantum theory.

Si Einstein ay nakilala sa buong mundo matapos na mapatunayan ang prediksiyon ng kanyang teoriyang pangkalahatang relatibidad na ang sinag (light rays) ng malalayong bituin ay malilihis ng grabidad ng araw. Ito ay napatunayan noong 7 Nobyembre 1919 sa ekspedisyon na ginawa ng mga inglaterong siyentipiko upang pagmasdan ang Eklipseng solar na naganap nang taong iyon sa Aprika.






Panoorin ang video:




Anong masasabi mo kaugnay nito?