Palaban ang aktres na si Mariel Rodriguez sa mga bashers na nagkakalat online.Dito makikita natin kung paano sinagot ng aktres ang mga bas...
Palaban ang aktres na si Mariel Rodriguez sa mga bashers na nagkakalat online.Dito makikita natin kung paano sinagot ng aktres ang mga bashers.Hindi nagdalawang isip si Mariel na ilabas din ang kanyang saloobin sa mga bashers na panay satsat sa social media.
Nagtrending sa social media ngayon ang pinagandang
Manila Bay dahil sa artificial white
sand. Sa kabila paman ng ikinaganda ng Manila Bay ay marami paring bumabatikos
nito. Sari-saring reaksyon ang lumalabas sa social media.
Pati ang aktres na si
Mariel Rodriguez ang asawa ni Robin Padilla ay naglabas din ng kanyang komento.
Dito ay makikita natin na ipinagtanggol ni Mariel ang mga nasa likod ng
paglalagay ng ‘white sand’ sa Manila Bay mula sa mga kritiko na bumabatikos
dito.
Nagbigay ng komento ang aktres sa naging post ni Robin
Padilla. Ayon sa aktres,
“Nung puro basura walang nagrereklamo ngayon na pinaganda…
can you believe it? Ngayon sila nag reklamo? Ang hindi ko maintindihan is lagi
natin hinahanap kung saan napunta yung tax na binabayad natin… ayan oh..
atleast yan nakikita natin diba. Tapos mag complain parin?”
Ayon kay Mariel ay mainam din daw na nakikita ng mga tao na
naghahanap kung saan napupunta ang kanilang tax.
Makikita natin na talagang pabor at suportado ang Kapamilya
host/aktres na si Mariel Rodriguez sa paglalagay ng ‘white sand’ sa Manila Bay.
Saad ng aktres , “Ang hindi ko maintindihan is lagi nating
hinahanap kung saan napunta ‘yong tax na binabayad natin. Ayan oh, at least
‘yan nakikita natin, ‘di ba? Tapos mag-complain pa rin?” komento ni Mariel sa
post ng asawang si Robin Padilla. “Noong puro basura, walang nagrereklamo,
ngayon na pinaganda… Can you believe it? Ngayon sila nagreklamo?”
Kamakailan ay matandaan na nag post ang actor na si Robin
Padilla kaugnay nito.Sa post ni Robin ay sinabi niyang dapat na kilalanin ang
gobyerno sa kanilang pagpupunyagi na mapaganda ang Manila Bay.
“Ibigay natin sa gobyerno ang tamang pagkilala sa
accomplishment na ito dahil may COVID-19 man o wala, bilang isang taxpayer,
pipiliin ko ang white sand kaysa basura. ‘Yong dolomite, maaaring pagtalunan
pero ‘yong basura, 1 million percent masama sa Inang Kalikasan, sa ating
kalusugan, at sa lahat ng bagay,” saad pa ni Robin.
Mas mainam na rin daw na mabigyan ng pagkakataon ang mga
Pilipino na walang kakayahang makapunta sa Boracay na makaranas ng white sand.
“Free relaxation and family bonding ay mental, emotional,
and physical therapy. Every Filipino deserves a swim, a sunrise, and sunset by
the beach,” dagdag niya.
Binuksan ang Manila Bay sa publiko noong Linggo, September 20,at dito'y dumagsa ang mga tao at nagsiksikan.At dahil dito ay hindi na nasunod ang pagpapatupad ng physical distancing bilang pag-iingat sa COVID-19. Nagkaroon ng social distancing failure dahil sa pagdagsa ng tao na sabik makita ang pinagandang Manila Bay.
Sa ngayon ay nagpapakalat na ng mga kapulisan para sitahin ang mga tao na magpunta sa Manila bay para kumuha ng litrato. Ipinagbawal muna ang picture-taking sa pinagandang Manila Bay sa Lungsod ng Maynila
Samantala, iminungkahi naman ni Manila Mayor Isko Moreno na
pansamantalang isara itong muli sa publiko.