--> Magpapakasal na? Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nagsalita na kaugnay sa Pagpapakasal | ChikaTime

Magpapakasal na? Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nagsalita na kaugnay sa Pagpapakasal

  Kamakailan lamang ay kumakalat sa social media ang usap-usapang ikakasal na si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Si Kathryn at Daniel ay...

 



Kamakailan lamang ay kumakalat sa social media ang usap-usapang ikakasal na si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Si Kathryn at Daniel ay isa sa mga kinikiligang loveteam ng bayan.Nagmula sila sa pagiging loveteam hanggang nauwi sa pagiging real couple. Maraming tagahanga ang masayang makita ang dalawang ito na stay strong sa kanilang relasyon at umaasa na mauwi sa kasalan ang dalawa.

Agad na nagviral sa social media ang usap-usapang may kasalang magaganap na nina Daniel at Kathryn nang makita ng ilang fans ang mga larawang nakapost sa social media ng kanilang ina. Nagpost ang kanilang mga ina na sina Min Bernardo at Karla Estrada, ng mga larawan ng isang wedding gown at invitation na may inisyal na ‘KN’ at isang ring ring emoji bilang caption sa post.





Puno ng mga haka-haka sa social media .Sa wakas ay tuluyan na ring binasag nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang katahimikan matapos kumalat sa social media ang tsismis na ikakasal na ang dalawa .Sa isang eksklusibong panayam sa ABS-CBN News, ay nakumpirma rin saw akas sina Kathryn at Daniel kung ano nga ba ang katotohanan.

“We’re getting married... sa pinakabagong handog sa ating lahat ng Star Cinema. Sa digital movie series na ‘The House Arrest of Us,’” saad ng dalawa

“The House Arrest of Us” is a 13-part romantic family digital movie series about two individuals caught by the lockdown under one roof, together with their families." 




Agad namang nilinaw ng dalawa na ang bagong movie nila ay  hindi ito isang sumunod na pangyayari sa kanilang blockbuster na pelikulang "The Hows of Us," na matatandaang ito ang kanilang huling proyekto sa pelikula na magkasama na inilabas dalawang taon na ang nakalilipas.

“It’s not a sequel. Basically hindi siya connected sa ‘Hows of Us’. It’s a family series, nandun din 'yung romance. Halo-halo siya pero it’s not related kay George at kay Primo’ (their characters from ‘The Hows of Us’),” dagdag nila.

Sina Kathryn at Daniel kasama ang kanilang mga co-artista at kasamahan sa produksyon ay kasalukuyang nasa kanilang ikalawang linggo ng taping/shooting.

“Iba siya sa nakasanayan namin. Naka-lock in lahat 'yung set-up tapos limited lang talaga 'yung mga pumapasok, at lahat fina-follow 'yung safety protocols. Nakakapanibago pero lahat naman nagko-comply,” sabi ni Kathryn 

“Kakaiba 'yung experience na nandito kami sa village, parang nasa bubble lang din kami. Walang pwedeng lumabas o pumasok. Kami kami lang ang nandito, astig din siya,” dagdag naman ni Daniel.





So ayun na nga po,nilinaw na po nina Kathryn at Daniel na ikakasal nga sila pero sa movie lang.Wala pang kasalang magaganap sa totoong buhay. Sa mga Kathniel fans diyan,maghintay nalang tayo na mauwi rin sa tunay na kasalan ang dalawang couple na ito.


Panoorin ang video: