Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pangarap sa buhay. Ma swerte kung ikaw ay pinanganak na mayaman. Pero ito ang tandaan niyo, ang kahir...
Bawat
isa sa atin ay may kanya-kanyang pangarap sa buhay. Ma swerte kung ikaw ay
pinanganak na mayaman. Pero ito ang tandaan niyo, ang kahirapan ay hindi
hadlang upang makamit natin ang pag-unlad sa ating buhay. Huwag tayong mawalan
ng pag-asa basta magsipag lamang tayo at manalangin sa Diyos.
Maraming
mga kabataan ngayon ang tila walang pangarap sa buhay. Yun bang nakadepende
lang sila sa kanilang magulang na lahat nalang ay inaasa sa magulang.
Nag
viral sa social media ay isang lalaki ,53 taong gulang na at ito ay may
kapansanan. Siya ang si Mang Danilo Solis ng Cabatanga, Makato, Aklan . Marami
ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng kanyang kapansanan ay kumakayod siya sa
pagsasaka para itaguyod ang kanyang 83-anyos na ina.
Isa si
Mang Danilo sa nakaranas ng Polio. Bata pa lang siya nang iniwan na sila ng kanyang ama. Kaya ngayon ay nagsusumikap siya para masuklian niya ang pag-aaruga na ipinamalas ng
kanyang ina.Hinahangaan siya ng lahat ng kanyang mga kasama sa pagsasaka dahil sa kasipagan nito at ng kabutihan ng loob.
Isang
concerned citizen at nakakita kay Mang Danilo na nagkakayud sa pagsasaka kahit
siya ay may kapansanan kaya ay naisipan niyang ibahagi sa social media ang
kuwento ni Mang Danilo kung saan ay nag viral ito at hinangaan na siya ng
marami.Humanga naman ang mga nakabasa sa post. Naging viral ito hanggang sa
umabot sa kaalaman ng “Pobreng Vlogger”.
Isang
vlogger ang pumunta at naghatid ng tulong kay Mang Danilo.Siya ay si Archie
Hilario ,ang taong nasa likod ng “Pobreng Vlogger”, at ng kaibigan niyang
attorney .
Sila ay
Nagbigay ng 25 kilong bigas, groceries at limang libong piso. Ito’y hindi
inaasahan ni Mang Danilo na may makapansin sa kanya at maghatid ng tulong.
Halos Mangiyaak-ngiyaak si Mang Danilo sa mga tulong na kanyang natanggap. At
hindi pa doon nagtatapos ang kanyang mga biyaya dahil nais din ng “Pobreng
Vlogger” na bigyan siya ng kabuhayan
para may kikitain pa rin siya kung walang sinasaka. Halos maiyak na rin sa saya ang mga kaibigan ni Mang Danilo sa binigay na tulong ng
Sa
kwentong ito ay talagang nagbigay ng inspirasyon si Mang danilo sa atin. Dito
natin makikita na sa kabila ng kapansanan ay kaya niya paring lumaban sa buhay.
Kaya kung tayo ay pinagpalad,huwag natin itong sayangin.
kung
ikaw man ay nahihirapan ngayon sa kinalalagyan mo, lagi nating tandaan ito na
may mga tao na mas hirap pa sa atin ngunit hindi sila bumibitaw sa mga
pagsubbok sa buhay. Lumalaban parin sila para makaahon sa hirap.Kaya dapat tayo
rin ay huwag mawalan ng pag-asa.
Panoorin ang video: