--> Isang 75-anyos na Briton, Matapos pakinabangan ng Asawa ay iniwan at Pinabayaan na | ChikaTime

Isang 75-anyos na Briton, Matapos pakinabangan ng Asawa ay iniwan at Pinabayaan na

Maraming netizens ang naawa sa naging kalagayan ng isang 75 anyos na Briton na si Arthur Ernest.  Nakatira ngayon ang isang 75-anyos na Brit...




Maraming netizens ang naawa sa naging kalagayan ng isang 75 anyos na Briton na si Arthur Ernest. Nakatira ngayon ang isang 75-anyos na Briton nang malugi ang kanyang computer shop na kanyang pagmamay-ari sa  ilalim ng puno sa tabi ng isang covered court sa Halang, Canlalay, Binan, Laguna. Ang napakasakit pa nito ay iniwan siya at pinabayaan na ng kanyang asawa. 



Ayon sa facebook post ni Sandrix Lita, mag-isa na lamang sa buhay si Arthur Ernest at madalas bigyan ng pera at makakain ng mga sasakyang dumaraan. “Hindi siya nanlilimos pero sa kalagayan niya, alam kong hirap na hirap siya.”

Nabanggit pa na mayroong iniindang diabetes ang Briton pero walang mapagkukunan ng pera para maipagamot ang sarili at iba pang pangangailangan niya.

 


“Every morning po naka-stand by siya sa tabi ng isang tindahan sa harap ng gas0linahan sa Ireneville. Mabait si sir at tiwang-tuwa daw siya sa mga Pilipino kasi daw sobrang matulungin, bakas nga sa mukha niya ang saya noong inabutan siya ng makakain.”


Sa kabila pa man ng sinapit ni Mang Ernest ay nakuha pa niyang sabihin na masaya siya sa mga Pilipino dahil  may mga tumulong sa kanya. Ayon ni Sandrix Lita na nasabi umano ni Ernest na masaya na siya rito sa Pilipinas at sa tingin ni Sandrix ay ayaw na niyang umuwi sa kanila. Ayaw rin nitong magbanggit ng pangalan ng mga kamag-anak nito sa London.

Tanging binanggit niya ay ang asawang si Elsa Freeman na taga-Canada. Usap-usapan na umano na matagal na itong pumanaw.




Sadyang marami namang netizen ang naawa sa kanyang kalagayan at sinabing tutulong sila sa paghahanap sa kanyang pamilya. Mayroon ding mga netizens ang nanawagan na sana’y maitampok siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho o Raffy Tulfo in Action.

May mga nagsabi sa comment section na mayaman talaga ang Briton dati pero iniwan ng asawa dala-dala ang kanilang pera.




Anong masasabi niyo kaugnay rito?


Basahin ang post na ito: