Si Ella Cruz ay kilala bilang isang artista at sikat na mananayaw. Maraming mga kabataan ang bumilib sa galing nitong si Ella Cruz dahil sa ...
Si Ella Cruz ay kilala bilang isang artista at sikat na mananayaw. Maraming mga kabataan ang bumilib sa galing nitong si Ella Cruz dahil sa kanyang talento sa pag arte at sa pagsasayaw.
Bukod sa kanyang hilig sa pagsasayaw ay nahiligan na rin ni Ella ang pag momotorsiklo. Sa kanyang post ay nag viral agad ang video sa kanyang ginagawang motovlog. Sa video na ito ay makikita natin na kung saan ay sumemplang si Ella sa motorsiklo.Hindi naging maganda ang naging resulta ng kanyang kauna-unahang motovlog dahil naaksidente siya.
Nangyari ang insidente habang nagte-training si Ella sa pagmomotorsiklo sa Clark International Speedway sa Pampanga.Dito ay sumemplang siya sa kanyang motorskilo dahil hindi niya nakontrol ang kanyang motorsiklo habang siya ay paliko sa isang kurbada. Matapang naman itong si Ella dahil sa kabila ng nangyari sa kanya ay pursigido pa rin siya.
Sa video ay makikitang gumulong ang aktres ng dalawang beses nang mahulog at ang motorsiklo naman ay sumadsad patungo sa gilid ng track. Agad din naman siyang pinuntahan ng kanyang trainers para alalayan siya at itayo ang natumbang big bike. Sa ngayon ay ligtas naman ang aktres na si Ella dahil nakasuot naman siya ng full setup ng motorcycle safety gear kabilang ang full body armor jacket,full face helmet at armored motorcycle gloves.
Hindi naman ikinahiya ni Ella ang pagsemplang niya sa
kanyang motorsiklo at ito'y ibinahagi pa niya sa kanyang instagram at youtube
account.
Saad ni Ella Cruz sa kanyang post:
Eto na po! Navlog ko na ang pagmomotor ko tuwing nagtraining sa Clark International Speedway. Nagtrain ako with Zero2Podium at ang coach ko ay si Coach Joey Storm. Siguro kailangan sa susunod kong vlog kwento ko bat ako nagmotor o bat ako nagR3 agad. Pero since binabasa mo na to, share ko na rin konti! Simple lang naman, gusto ko yung ginagawa ko at kaya ko. Matagal ko ng pangarap magmotor. Opo, di ko abot pero masosolusyunan naman. Kaya ako nagraride dito sa race tracks lang ay para matuto. Hindi pa ko nagmomotor sa kalsada, dahil ayoko pa. Isa pa po, sabi ng coach ko, kapag sanay na sanay na ako, kahit anong motor pa yan, kahit R1 pa yan, kayang kaya ko na kahit gano pa kalaki yung motor na yan.
Alam ko lahat tayo eh may kanya kanyang opinion, lalo na't marami tayong riders dito. Sana respetuhin natin ang opinion ng isa't isa at yung sakin naman eh lahat nanggagaling sa aking school. Yun ang mga kaalaman ko, training ko... Kasi nga new rider lang ako. :)
Ang ayaw ko lang eh yung maliit na nga po ako minamaliit
niyo pa ko. :)
KAYA KO YUNG R3 KO.
Isa pa...
Nagtraining palang ako... TRAINING. PRACTICE. ENSAYO.
Masaya ako tuwing nagraride and I'm happy na unti unti,
nakikita ko nag-iimprove ako.
Huwag po kayo mag-alala dahil nag-iingat naman po ako.
Salamat sa lahat ng sumusuporta sakin!
Panoorin ang video: