Buong mundo ang humaharap sa malaking pagsubok sa ating buhay ngayong pandemya. Lahat ay apektado sa pandemyang ito. Kaya naman maraming mga...
Buong mundo ang humaharap sa malaking pagsubok sa ating buhay ngayong pandemya. Lahat ay apektado sa pandemyang ito. Kaya naman maraming mga scientist ang gumagawa ng paraan para matuklasan ang gamot sa virus na ito.
Susuriin ng Department of Health (DOH) ang mga natuklasan ng mga Chinese scientist na ang gatas ng ina ay makakatulong na malunasan o maaaring maiwasan ang coronavirus disease (COVID-19) o gamutin ang mga pasyente na nahawahaan ng sakit.
Sa pag-aaral, napuksa ang SARS-CoV-2 virus nang ma-exposed sa gatas ng ina.Naniniwala naman ang DOH na maraming kabutihan ang naidudulot ng gatas ng ina.
Ang COVID-19 ay posibleng maiwasan o kaya ay malunasan gamit ang gatas ng ina, ayon sa pag-aaral ng mga Chinese scientists.
Sinuri ng isang research team mula sa Beijing ang epekto ng naturang gatas sa mga cells na na-exposed sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID -19.
Ang resulta ay pareho lang: Karamihan sa living virus strains, kabilang ang SARS-CoV-2, ay napuksa ng gatas.
Ang viral attachment, entry at post-entry viral replication ay nahaharang umano ng gatas, ayon kay Professor Tong Yigang ng Beijing University of Chemical Technology, na siyang nanguna sa ginawang pag-aaral.
Batay sa kanilang eksperimento gamit ang pinaghalong gatas ng ina at cells, ang virus ay hindi nakapasok sa cells at ang mga infected cells naman ay hindi na dumami pa.
Kaugnay nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na magsasagawa ang ahensya ng pagsusuri hinggil sa findings na ito ng mga Chinese scientists.
Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeira,sinabi niya na matagal nang adbokasiya ng kagawaran na ipaalam sa publiko na ang gatas ng ina ay nakapagbibigay ng proteksyon sa mga sanggol laban sa ilang uri ng mga sakit.
Dagdag pa niya na hindi na sila masusurpresa sa naging resulta ng pag-aaral ng mga Chinese scientists dahil matagal nang sinasabi ng DOH na maraming kabutihan ang naidudulot ng gatas ng ina.Ang gatas ng ina ang may pinaka maraming sustansya.
“If ever, there is this article and that they are saying that babies will be immune from COVID-19 because of breastmilk, we will not be surprised because as we have said, breastmilk has a lot of goodness in it and we advocate for it because it gives protection from babies from specific cases,” saad ni Vergeire sa ABS-CBN News Channel.
Ang gatas na ginamit sa pag-aaral ay noong 2017 pa nakolekta; ilang taon bago ang pandemya. Samantalang ang mga cells na sinuri ay iba-iba ang pinanggalingan – sa “animal kidney cells” at sa “young human lung and gut cells.”