Hanggang ngayon ay mainit na usapin pa din sa social media ang isyu na kinasangkutan ng komedyanteng si Super Tekla matapos siyang ireklam...
Hanggang ngayon ay mainit na usapin pa din sa social
media ang isyu na kinasangkutan ng komedyanteng si Super Tekla matapos siyang
ireklamo ng kaniyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag sa programang Raffy Tulfo in Action.
Dumulog si Michelle Lhor
Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang
kaniyang live-in partner na si Super Tekla dahil sa pang-aabus0 at hindi umano
nito pagbibigay ng tamang sustento sa kanilang pamilya.
Ayon pa kay Michelle, pinipilit din daw siya ng komedyante na makipagtal*k sa kaniya kahit pa sa mga panahon na mayroon siyang iniindang s@kit. Kwento pa nito na hindi siya binigbigyan ng pera ni Tekla kapag hindi ito pumayag sa gusto nito.
Gayunpaman, pinagtanggol at dinepensahan naman si Tekla ng kaniyang mga kasamahan at kaibigan. Dahil sa mga rebelasyon ng kaniyang mga kaibigan tungkol kay Michelle ay tila nabaliktad ang nangyari dahil nakakuha ng pambabatikos si Michelle habang suporta naman ang ibinigay ng marami para kay Super Tekla.
Maraming netizen ang nadismaya kay Raffy Tulfo dahil umano sa hindi ito naging patas at sa paglalabas nito ng maselang impormasyon tungkol kay Tekla na naging dahilan ng pagkasira nito sa tao at muntik pa siyang mawalan ng trabaho.
Matatandaan natin na hindi nagbigay ng pahayag o hindi nagpaliwanag si Tekla sa Raffy Tulfo in Action dahil hindi naman daw ito korte para doon niya ipaliwanag ang kaniyang side tungkol sa kwento ng kanyang live-in partner na si Michelle.
Sa ilang source na aming nasagap ay gagawa daw ng paraan ang kampo ng TV host na si Willie Revillame para matulungan si Tekla sa problema na kinakaharap nito ngayon. Alam din kasi ni Willie na ginagawa ni Tekla ang lahat ng kaniyang makakaya para maiayos ang kaniyang buhay. Handa umano si Willie na tumulong at rumesbak.
Nagkaroon umano ng close door meeting ang GMA management kasama si Willie Revillame upang tulungan ang isa sa kanilang kasamahan sa trabaho na tinuturing na nila bilang pamilya.
Ayon pa dito, kung matutuloy man daw ang kaso sa korte ay tutulong sila para magkaroon ng patas na batas at hindi daw dapat trial by publicity o trial by media ang mangyari.
Mali umano ang gagawing trial by publicity o media.
Makikita natin na talagang mahal si Tekla ng kanyang mga kasamahan dahil marami na sa kanila ang nagbigay depensa para kay Tekla.